Global Walk ng CFC ANCOP Italy, Tagumpay!

Tuesday, February 13, 2018

Milan, Hunyo 29, 2015 - Sa ikalawang pagkakataon ay ginanap sa Milan Italy ang Global Walk sa pangunguna ng Answering the Cry of the Poor Foundation o ANCOP na bahagi ng evangelization ng Couples for Christ (CFC). Layunin ng pundasyon na tumulong sa may mga problemang pang pinansyal partikular sa larangan ng edukasyon sa Pilipinas.

Kasabay nito ang pagdiriwang ng taunang “Family Day” ng Couples for Christ.

Ang ANCOP foundation ay itinatag hindi lamang sa Pilipinas kundi pati sa iba't ibang bahagi ng Europa, Canada at Estados Unidos.

"Ang global walk ay ginaganap tuwing August 16, pero dito ginanap na namin sa Milan,  kaya nauna na kami" ayon kay Ernesto Bella, ANCOP coordinator ng Milan.

Ang bawat nalikom na halaga ay nanggagaling sa mga nagparehistro para lumahok sa Global Walk. Ito ay i-aambag na tulong para sa mga kabataan na mapapabilang sa scholarship program ng naturang foundation.

Ang ANCOP, ayon kay Teresita Bella, CFC ANCOP coordinator, ay nasa ikatlong taon na, at ang malilikom na halaga ay mapupunta sa tatlong batang pinag-aaral ng Milan chapter.
Bago nagsimula ang Global Walk ay nag-warm up muna ang mga manlalahok sa pamamagitan ng pagsasayaw ng Zumba.

Nagkaroon din ng isang maikling pambungad na panalangin at pagkatapos ay ang ribbon cutting sa pamamagitan ni Eng. Domingo Borja.

Ang mga participants ay nagsimula sa entrada ng malaking park sa Bosco in città at natapos ito sa pinaka centro ng parko na sa kanilang paglalakad ay umabot ng mahigit na 30 minuto.

Pagkatapos ng kanilang paglalakad at habang nagpapahinga ang lahat ay sinabayan din ni Ernesto Bella CFC ANCOP coodinator ang pagpapaliwanag sa layunin ng ANCOP sa mga bagong graduate ng CFC.

Sa bahagi ng pagpapaliwanag ni Bella, ay sinabing ang ANCOP ay mayroong ipinapatupad na programa, tulad ng education program sa ilalim ng Child Sponsorship Program o CSP kung saan sila ay naghahanap ng mga sponsors na maaring makapag-ambag ng tulong pinansiyal sa mga batang hindi kayang tustusang pag-aralin ng kanilang mga magulang dahil sa kahirapan sa buhay. Bukod dito, ang community development program ay isa sa mga pangunahing proyekto ng naturang foundation. Ito ay ang pabahay para sa mga mahihirap, maging ang pagbibigay ng livelihood o pang kabuhayan para sa mga pamilya na nasa pinakamababang antas ng pamumuhay.

Palaro, salu-salo at kasiyahan ang nangibabaw sa nasabing pagtitipon, hanggang sa dumating si Rev. Fr. Emil Santos na galing pa sa isang misa sa Basilica di San Lorenazo.

Binasbasan niya ang mga naroroon  maging ang mga batang nabiyayaan ng mga scholarship program ng CFC-ANCOP hindi lamang dito sa Milan, kundi sa iba’t ibang bahagi ng mundo kung saan matatagpuan ang nasabing grupo at foundation.

Inaasahan ng buong grupo maging ang ANCOP foundation ang walang patid na tulong mula sa mga mamamayan sa buong mundo upang tulungan ang mga kapatid natin malagpasan ang kahirapan sa buhay. 

By Chet de Castro Valencia

 

please click to see original post here:

http://www.akoaypilipino.eu/pagdiriwang/global-walk-2015-ng-cfc-tagumpay

Recent Articles

Archives

TORONTO CATHOLIC DISTRICT SCHOOL BOARD (TCDSB) RETURNS FOR ANOTHER SERVICE TRIP IN THE PHILIPPINES

The 23 students from different schools of Toronto had equipped themselves to be mission ready for their service trip in the Philippines. On... Read More

GLOBE TELECOM CONDUCTED IMMERSION IN POOK MASAGANA

Globe Telecom, a telecommunications service provider in the Philippines, is also CFC ANCOP’s partner in helping the people. This month of... Read More

NORTH A MISSION CORE INSPIRED BY THE MISSION WITH THE POOR RETREAT

Hearts, hand and feet progress as North A Sector conducted the Mission with the Poor Retreat last November 18 to 19, 2017 at the North A... Read More

Another Successful Year for CFC ANCOP Northern VA's Battle of the Bands

The second CFC ANCOP Northern Virginia's Battle of the Band project was successfully held on Nov. 10, 2017 at Our Lady of Good Counsel in... Read More

40 HOUSES AWARDED TO SAN AGUSTIN, ROMBLON

The Romblon Diocesan Social Action Center (RDSAC) and CFC ANCOP-USA partnered in building homes for the people in Sitio Banturan, Barangay... Read More

SCHOLARS INVIGORATED THROUGH CAREER DEVELOPMENT ACTIVITY

Zendesk Inc., a global software company, partnered with CFC ANCOP Global Foundation to support children in their education. Last November... Read More