Higit 100-K, lumahok sa fun run sa MOA para makapagpaaral ng mahihirap

Tuesday, November 21, 2017

Tinatayang nasa 110,000 ang nakilahok sa ikaapat na Answering the Cry of the Poor (AnCop) Global Walk sa Mall of Asia sa Pasay ngayong Linggo.

Ayon kay Bro. Ricky Cuenca, chairman ng Couples for Christ (CFC), isa itong fund raising event para makalikom ng pera para makapagpaaral ng mahihirap na estudyante sa bansa.

Ani Ehtel Balanton, direktor ng education program ng AnCop, nasa 6,500 na ang iskolar nila mula sa elementarya, high school at kolehiyo.

Nais anya ng kanilang grupo na madoble ang kanilang mapapaaral.

Karamihan sa mga sponsor nito ay nasa ibang bansa tulad ng USA, Canada at Australia at mungkahi nila sa mga may-kaya dito sa bansa na magsponsor na rin.

Kung nais maging scholar, maaaring pumunta sa tanggapan nito sa 156 28th Avenue sa Cubao, Quezon City.

Dapat ay hindi lalagpas sa P10,000 ang taunang pinagsamang kita ng magulang ng aplikante.

Dapat din anya 78 ang pinakamababang grade sa elementarya at high school habang 2.75 naman sa kolehiyo.

Sabi ni Balanton, sinasagot din nila ang pag-aaral ng mga mahihirap na nais magpari at ang mga gustong kumuha ng vocational courses. Report and photo from Dennis Datu, Radyo Patrol 42 http://bit.ly/dzmmagw

Recent Articles

Archives

CFC ANCOP USA EASTERN SUMMIT INSPIRES PARTICIPANTS

The two-day CFC ANCOP USA Eastern Summit "Loving the Poor" Seminar Workshop held in Charlotte, North Carolina last October 28-29 ended with... Read More

ANCOP KAPATID COMMUNITY ENDOWED WITH A MULTI-PURPOSE HALL

Families in ANCOP Kapatid Community (AKC) of Bagbaguin, Caloocan City rejoice for having a new Multi-Purpose Hall in their area. The said... Read More

CFC ANCOP ANNOUNCES WINNERS OF ANCOP COMMUNICATIONS COMPETITION

CFC ANCOP Global Foundation Inc. recently had its first ANCOP Communications Competition. The said competition started last July 15, 2017,... Read More

SHS STUDENTS STEERED A PROJECT FOR A CAUSE

A project for a subject in school became a gateway to help others for the students of the School of the Holy Spirit of Quezon City.

THOUSANDS HAVE WALKED EXTRA MILE FOR LOVE!

METRO MANILA – More than fifty thousand individuals took a step and participated in the ANCOP Global Walk 2017 last September 17 at the... Read More

ANCOP Global Walk 2017 - Extra Mile for Love (with registration link here)

The ANCOP Global Walk is an annual fundraising event of CFC ANCOP which aims to raise awareness and funds for Couple’s for Christ’s... Read More